Ang baklang baboy, at ang Fitness First


Isang dambuhalang bakla ang jumoin sa aking lamesa habang kumakain ako sa Jollibee - si Cocoy.

Kasing taba ni Cocoy ang lalaking nasa picture na kinuha ko mula sa website na: ktownwhips.com/.../BCR%20Files/why-fat-guy.jpg

"Friend, nag-gi-gym ka ba? Para kasing nagiging maskulado ka na", ang sabi ni Cocoy.

Oh well, I took that as a compliment. At least nano-notice ng mga tao ang aking katawan. "Yes, friend. Nag-gig-ym ako. Gusto mong sumali?" ang sincere kong tanong.

At imbes na sagutin ako, nilantakan ni Cocoy ang kanyang hamburger.

"Alam mo Ben, nahihiya kasi akong mag-gym. Tingnan mo naman ang katawan ko. I'm sure pagtitinginan lang ako ng mga tao sa gym." ang matamlay na naibulalas ni Cocoy.

Ang sabi ko naman. Una sa lahat, don't talk while your mouth is full.

Tsaka ako nagsimulang tumalak.

"Friend, kesehodang nasa gym ka, simbahan, MRT, MalacaƱang Palace, pagtitinginan ka talaga ng mga tao. Sa taba mong 'yan, nakuha mo pang mag eyeshadow!"

Hindi nakasagot si Cocoy. Kitang kita ang lungkot sa kanyang mga mata. Na-guilty naman ako.

"Sorry na friend. Kung gusto mo, sasamahan kita sa pag-gigym mo. Ako ang iyong magiging personal trainer. Masaya sa gym. Akala mo lang pagtitinginan ka ng mga tao. Pero hinde. Pag may nanlait sayo, kakabugin natin.

Napa-oo ko si Cocoy sa pag-gigym. Ang saya! Hindi lang dahil I will qualify to win a free gym towel and water jug for referring a friend. I felt na talagang nakatulong ako sa isang kapwa bading para maging healthy.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...