BodyJam


Body Jam - is a fusion of dance and aerobic moves, using the latest sounds of hiphop, funk and latin music together with the latest chart topping hits. (picture taken from: shop.lesmills.net/webshop/catalog/323a240b-3a...)

Sa tagalog, bonggang bonggang sayawan!

Hindi ako marunong sumayaw, lalo na't kung ito'y hiphop, at may choreography. Kung sumasayaw man ako, yung mga pa-sweet moves lang. Kaya nang first time akong sumali sa Bodyjam, asiwang asiwa ako.

Sinama ako ni Vivian sa Trinoma ng araw na iyon. Ang Trinoma at RCBC ay mga platinum branches. Sa madaling sabi, mas mahal ang binabayarang monthly fee ng mga members dito - around P3,500 yata. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit karamihan ng participants ng Bodyjam class na iyon, ay puro thunder cats (mga matatanda)

Nasabi ko tuloy sa sarili ko, kebs na kung mukha akong tanga sa pagsayaw, eh puro chaka naman ang mga participants.

Nang magsimula ang class, Todo sa paghataw ang mga katandaan! Mukhang praktisado ang mga bakla! Marahil ay inaaraw araw nila ang pag bo-body jam kaya't kabisado na nila ang mga moves. May isang participant na halos ka-edad na yata ni Gina PareƱo, pero kung kumembot, lume-level kay Britney Spears!

Overall, winner talaga ang Fitness First sa mga gimik nilang ganito. I wonder kung meron ding ganitong klaseng class sa Gold's Gym.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...