The sign, at ang Fitness First
30 years old na ako. Ever since, hindi pumasok sa isipan ko ang magtrabaho abroad, until today.
Bakit naman ako magtatrabaho abroad, eh ansarap na ng buhay ko dito sa Pinas? May rent-to-own akong condo unit, nakakapagbakasyon ako sa ibang bansa twice a year, may marangal na trabaho, nabibili ko lahat ng gusto ko, may Passport Lifestyle membership ako sa Fitness First, etc.
Nasabi ko lately dito sa blog na’to na nagiging madalas ang pagiging malungkutin ko. Hindi lang dahil sa wala akong jowa. Pakiramdam ko, ang buhay ko ay isang paulit ulit na TV commercial – nakakairita na.
Walang bago.
Gusto ko ng pagbabago! sabi nga ni Noynoy.
I know this is going to be a huge step for me, but I think I’m up for it.
Hindi na ako bagets, at ayokong pagdating ng araw, itatanong ko sa sarili kong “What-if nagtrabaho ako abroad? Ano kayang kinahinatnan ng aking kapalaran?”
So humingi ako ng sign kay Lord.
Mag-gi-gy ako mamaya. Kapag nakaya ko ang 12 reps/ 4 sets na chest press na may 1 minute lang na pahinga in between, at kapag tinugtog sa gym ang kahit ano sa mga kanta ni Lady Gaga – it’s a sign.
We’ll see later.
(photo from hisnameisdencios.wordpress.com)